
Ngayong 4 PM, Oktubre 12, 2021, ang Department of Health ay nakapagtala ng 8,615 na karagdagang kaso ng COVID-19. Samantala ay mayroon namang naitalang 25,146 na gumaling at 236 na pumanaw.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 3.1% (82,228) ang aktibong kaso, 95.4% (2,561,248) na ang gumaling, at 1.49% (39,896) ang namatay.
Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong October 10, 2021 habang mayroong 3 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS). Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 3 labs na ito ay humigit kumulang 0.4% sa lahat ng samples na naitest at 0.4% sa lahat ng positibong mga indibidwal.
Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang aming pampublikong site: www.doh.gov.ph/covid19tracker.