October 11, 2021

Ngayong 4 PM, Oktubre 11, 2021, ang Department of Health ay nakapagtala ng 8,292 na karagdagang kaso ng COVID-19. Samantala ay mayroon namang naitalang 302 na gumaling at 36 na pumanaw.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 3.7% (98,894) ang aktibong kaso, 94.8% (2,536,260) na ang gumaling, at 1.48% (39,660) ang namatay.

Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong October 9, 2021 habang mayroong 2 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS). Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 2 labs na ito ay humigit kumulang 0.2% sa lahat ng samples na naitest at 0.4% sa lahat ng positibong mga indibidwal.

Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang aming pampublikong site: www.doh.gov.ph/covid19tracker.