October 4, 2021

Ngayong 8 PM, Oktubre 4, 2021, ang Department of Health ay nakapagtala ng 10,748 na karagdagang kaso ng COVID-19. Samantala ay mayroon namang naitalang 16,523 na gumaling at 61 na pumanaw.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 4.1% (106,160) ang aktibong kaso, 94.4% (2,459,052) na ang gumaling, at 1.49% (38,828) ang namatay.

Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong October 2, 2021 habang mayroong 3 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS). Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 3 labs na ito ay humigit kumulang 0.3% sa lahat ng samples na naitest at 0.3% sa lahat ng positibong mga indibidwal.

Bagamat bumaba ang bilang ng ating mga kaso, mapapansin na mataas pa rin ang ating healthcare utilization rate. Huwag tayong maging kampante at patuloy na sumunod sa minimum public health standards at magpabakuna kapag tayo ay eligible na upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.

Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang aming pampublikong site: www.doh.gov.ph/covid19tracker.