October 2, 2021

Ngayong 6 PM, Oktubre 2, 2021, ang Department of Health ay nakapagtala ng 14,786 na karagdagang kaso ng COVID-19. Samantala ay mayroon namang naitalang 894 na gumaling at 164 na pumanaw.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 5.6% (144,061) ang aktibong kaso, 92.9% (2,397,456) na ang gumaling, at 1.50% (38,656) ang namatay.

Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong September 30, 2021 habang mayroong 2 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS). Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 2 labs na ito ay humigit kumulang 0.12% sa lahat ng samples na naitest at 0.05% sa lahat ng positibong mga indibidwal.

Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang aming pampublikong site: www.doh.gov.ph/covid19tracker.