
Ngayong 4 PM, Oktubre 1, 2021, ang Department of Health ay nakapagtala ng 15,566 na karagdagang kaso ng COVID-19. Samantala ay mayroon namang naitalang 23,483 na gumaling at 199 na pumanaw.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 5.1% (130,268) ang aktibong kaso, 93.4% (2,396,726) na ang gumaling, at 1.50% (38,493) ang namatay.
Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong September 29, 2021 habang mayroong 5 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS). Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 5 labs na ito ay humigit kumulang 1.7% sa lahat ng samples na naitest at 2.4% sa lahat ng positibong mga indibidwal.
Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang aming pampublikong site: www.doh.gov.ph/covid19tracker.