September 30, 2021

Ngayong 4 PM, Setyembre 30, 2021, ang Department of Health ay nakapagtala ng 14,286 na karagdagang kaso ng COVID-19. Samantala ay mayroon namang naitalang 8,268 na gumaling at 130 na pumanaw.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 5.4% (138,294) ang aktibong kaso, 93.1% (2,373,378) na ang gumaling, at 1.50% (38,294) ang namatay.

Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong September 28, 2021 habang mayroong 4 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS). Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 4 labs na ito ay humigit kumulang 0.2% sa lahat ng samples na naitest at 0.1% sa lahat ng positibong mga indibidwal.

Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang aming pampublikong site: www.doh.gov.ph/covid19tracker.