
Ngayong 4 PM, Setyembre 29, 2021, ang Department of Health ay nakapagtala ng 12,805 na karagdagang kaso ng COVID-19. Samantala ay mayroon namang naitalang 12,236 na gumaling at 190 na pumanaw.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 5.2% (132,339) ang aktibong kaso, 93.3% (2,365,229) na ang gumaling, at 1.51% (38,164) ang namatay.
Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong September 27, 2021 habang mayroong 1 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS). Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 1 lab na ito ay humigit kumulang 0.2% sa lahat ng samples na naitest at 0.3% sa lahat ng positibong mga indibidwal.
Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang aming pampublikong site: www.doh.gov.ph/covid19tracker.