September 27, 2021

Ngayong 9 PM, Setyembre 27, 2021, ang Department of Health ay nakapagtala ng 18,449 na karagdagang kaso ng COVID-19. Samantala ay mayroon namang naitalang 21,811 na gumaling at 93 na pumanaw.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 6.3% (158,169) ang aktibong kaso, 92.2% (2,313,412) na ang gumaling, at 1.50% (37,494) ang namatay.

Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong September 25, 2021 habang mayroong 2 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS). Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 2 labs na ito ay humigit kumulang 0.07% sa lahat ng samples na naitest at 0.04% sa lahat ng positibong mga indibidwal.

Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang aming pampublikong site: www.doh.gov.ph/covid19tracker.