
Ngayong 5PM, Setyembre 26, 2021, ang Department of Health ay nakapagtala ng 20,755 na karagdagang kaso ng COVID-19. Samantala ay mayroon namang naitalang 24,391 na gumaling at 0 na pumanaw.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 6.5% (161,447) ang aktibong kaso, 92.0% (2,292,006) na ang gumaling, at 1.50% (37,405) ang namatay.
Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong September 24, 2021 habang mayroong 2 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS). Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 2 labs na ito ay humigit kumulang 0.1% sa lahat ng samples na naitest at 0.1% sa lahat ng positibong mga indibidwal.
Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang aming pampublikong site: www.doh.gov.ph/covid19tracker.