September 23, 2021

Ngayong 4 PM, Setyembre 23, 2021, ang Department of Health ay nakapagtala ng 17,411 na karagdagang kaso ng COVID-19. Samantala ay mayroon namang naitalang 14,090 na gumaling at 177 na pumanaw.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 6.8% (165,790) ang aktibong kaso, 91.7% (2,231,558) na ang gumaling, at 1.54% (37,405) ang namatay.

Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong September 21, 2021 habang mayroong 3 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS). Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 3 labs na ito ay humigit kumulang 0.3% sa lahat ng samples na naitest at 0.3% sa lahat ng positibong mga indibidwal.

Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang aming pampublikong site: www.doh.gov.ph/covid19tracker.