September 7, 2021

Ngayong 4 PM, Setyembre 7, 2021, ang Department of Health ay nakapagtala ng 18,012 na karagdagang kaso ng COVID-19. Samantala ay mayroon namang naitalang 18,945 na gumaling at 161 na pumanaw.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 7.5% (158,637) ang aktibong kaso, 90.9% (1,928,173) na ang gumaling, at 1.63% (34,498) ang namatay.

Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong September 5, 2021 habang mayroong 13 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS). Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 13 labs na ito ay humigit kumulang 3.6% sa lahat ng samples na naitest at 3.7% sa lahat ng positibong mga indibidwal.

Sa mga susunod na araw ay maari pang tumaas ang ating mga kaso ng COVID-19. Ang pagsunod sa minimum public health standards, maiging pagsasagawa ng PDITR strategies, at pagbabakuna ay nanatiling pinakapabisang depensa sa COVID-19. Mahalaga rin na tayo ay mag-isolate at makipagugnayan sa BHERTs kung tayo ay may sintomas ng COVID-19. Ang maagang konsultasyon at pagpapatest ay makatutulong upang maputol ang hawaan sa mga bahay, komunidad, at sa mga lugar na pinagtatrabahuhan.

Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang aming pampublikong site: www.doh.gov.ph/covid19tracker.