August 24, 2021

Ngayong 4 PM, Agosto 24, 2021, ang Department of Health ay nakapagtala ng 12,067 na karagdagang kaso ng COVID-19. Samantala ay mayroon namang naitalang 14,565 na gumaling at 303 na pumanaw.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 6.8% (127,703) ang aktibong kaso, 91.4% (1,709,724) na ang gumaling, at 1.73% (32,264) ang namatay.

Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong August 22, 2021 habang mayroong 10 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS). Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 10 labs na ito ay humigit kumulang 3.9% sa lahat ng samples na naitest at 4.4% sa lahat ng positibong mga indibidwal.

Sa mga susunod na araw ay maari pang tumaas ang ating mga kaso ng COVID-19. Ang pagsunod sa minimum public health standards, maiging paggsasagawa ng PDITR strategies, at pagpapabakuna ay nananatiling pinakamabisang depensa sa COVID-19.  Mahalaga rin na tayo ay magisolate at makipagugnayan sa BHERTs kung tayo ay may sintomas ng COVID-19. Ang maagang konsultasyon at pagpapatest ay makatutulong upang maputol ang  hawaan sa mga bahay, komunidad, at sa mga lugar na pinagtatrabahuhan.

Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang aming pampublikong site: www.doh.gov.ph/covid19tracker.