
Ngayong 4 PM, Agosto 23, 2021, ang Department of Health ay nakapagtala ng 18,332 na karagdagang kaso ng COVID-19. Samantala ay mayroon namang naitalang 13,794 na gumaling at 151 na pumanaw.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 7.0% (130,350) ang aktibong kaso, 91.3% (1,695,335) na ang gumaling, at 1.72% (31,961) ang namatay.
Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong August 21, 2021 habang mayroong 3 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS). Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 3 labs na ito ay humigit kumulang 0.2% sa lahat ng samples na naitest at 0.5% sa lahat ng positibong mga indibidwal.
Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang aming pampublikong site: www.doh.gov.ph/covid19tracker.