August 20, 2021

Ngayong 4 PM, Agosto 20, 2021, ang Department of Health ay nakapagtala ng 17,231 na karagdagang kaso ng COVID-19. Samantala ay mayroon namang naitalang 5,595 na gumaling at 317 na pumanaw.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 6.8% (123,251) ang aktibong kaso, 91.5% (1,653,351) na ang gumaling, at 1.73% (31,198) ang namatay.

Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong August 18, 2021 habang mayroong 2 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS). Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 2 labs na ito ay humigit kumulang 0.03% sa lahat ng samples na naitest at 0.08% sa lahat ng positibong mga indibidwal.

Sa mga susunod na araw ay maari pang tumaas ang ating mga kaso ng COVID-19. Ang pagsunod sa minimum public health standards, maiging paggsasagawa ng PDITR strategies, at pagpapabakuna ay nananatiling pinakamabisang depensa sa COVID-19.  Mahalaga rin na tayo ay magisolate at makipagugnayan sa BHERTs kung tayo ay may sintomas ng COVID-19. Ang maagang konsultasyon at pagpapatest ay makatutulong upang maputol ang  hawaan sa mga bahay, komunidad, at sa mga lugar na pinagtatrabahuhan.

Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang aming pampublikong site: www.doh.gov.ph/covid19tracker.