August 18, 2021

Ngayong 4 PM, Agosto 18, 2021, ang Department of Health ay nakapagtala ng 11,085 na karagdagang kaso ng COVID-19. Samantala ay mayroon namang naitalang 11,628 na gumaling at 161 na pumanaw.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 5.9% (105,151) ang aktibong kaso, 92.4% (1,640,721) na ang gumaling, at 1.72% (30,623) ang namatay.

Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong August 16, 2021 habang mayroong 9 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS). Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 9 labs na ito ay humigit kumulang 3.9% sa lahat ng samples na naitest at 5.6% sa lahat ng positibong mga indibidwal.

Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang aming pampublikong site: www.doh.gov.ph/covid19tracker.