
Ngayong 4 PM, Agosto 16, 2021, ang Department of Health ay nakapagtala ng 14,610 na karagdagang kaso ng COVID-19. Samantala ay mayroon namang naitalang 10,674 na gumaling at 27 na pumanaw.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 6.1% (106,672) ang aktibong kaso, 92.2% (1,618,808) na ang gumaling, at 1.73% (30,366) ang namatay.
Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong August 14, 2021 habang mayroong 7 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS). Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 7 labs na ito ay humigit kumulang 1.5% sa lahat ng samples na naitest at 1.6% sa lahat ng positibong mga indibidwal.
Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang aming pampublikong site: www.doh.gov.ph/covid19tracker.