
Ngayong 4 PM, Agosto 11, 2021, ang Department of Health ay nakapagtala ng 12,021 na karagdagang kaso ng COVID-19. Samantala ay mayroon namang naitalang 9,591 na gumaling at 154 na pumanaw.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 4.8% (81,399) ang aktibong kaso, 93.4% (1,577,267) na ang gumaling, at 1.74% (29,374) ang namatay.
Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong August 9, 2021 habang mayroong 3 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS). Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 3 labs na ito ay humigit kumulang 2.0% sa lahat ng samples na naitest at 1.2% sa lahat ng positibong mga indibidwal.
Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang aming pampublikong site: www.doh.gov.ph/covid19tracker.