August 10, 2021

Ngayong 4 PM, Agosto 10, 2021, ang Department of Health ay nakapagtala ng 8,560 na karagdagang kaso ng COVID-19. Samantala ay mayroon namang naitalang 7,964 na gumaling at 92 na pumanaw.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 4.7% (79,016) ang aktibong kaso, 93.5% (1,567,920) na ang gumaling, at 1.74% (29,220) ang namatay.

Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong August 8, 2021 habang mayroong 13 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS). Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 13 labs na ito ay humigit kumulang 2.8% sa lahat ng samples na naitest at 2.8% sa lahat ng positibong mga indibidwal.

Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang aming pampublikong site: www.doh.gov.ph/covid19tracker.