August 9, 2021

Ngayong 4 PM, Agosto 9, 2021, ang Department of Health ay nakapagtala ng 8,900 na karagdagang kaso ng COVID-19. Samantala ay mayroon namang naitalang 7,937 na gumaling at 6 na pumanaw.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 4.7% (78,480) ang aktibong kaso, 93.5% (1,560,106) na ang gumaling, at 1.75% (29,128) ang namatay.

Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong August 7, 2021 at lahat ng laboratoryo ay nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).

Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang aming pampublikong site: www.doh.gov.ph/covid19tracker.