August 6, 2021

Ngayong 4 PM, Agosto 6, 2021, ang Department of Health ay nakapagtala ng 10,623 na karagdagang kaso ng COVID-19. Samantala ay mayroon namang naitalang 3,127 na gumaling at 247 na pumanaw.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 4.5% (74,297) ang aktibong kaso, 93.7% (1,535,375) na ang gumaling, at 1.75% (28,673) ang namatay.

Ayon sa pinakahuling ulat, 1 laboratoryo ang hindi operational noong August 4, 2021 habang mayroong 5 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS). Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 6 labs na ito ay humigit kumulang 1.7% sa lahat ng samples na naitest at 1.3% sa lahat ng positibong mga indibidwal.

Nakikita na natin ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 at ito ay dulot ng kumbinasyon ng iba’t ibang factors – hindi pagsunod sa minimum public health standards, hindi pagpapatupad ng prevent-detect-isolate/quarantine-reintegrate strategies, lubos na paggalaw ng mga tao, at presensiya ng iba’t ibang variants of concern, lalo na ang Delta Variant. Patuloy ang ating panawagaan at paalala sa ating mga kababayan na mag-ingat at palaging sumunod sa ating mga safety protocols at agad na magpabakuna kung pagkakataon na.

Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang aming pampublikong site: www.doh.gov.ph/covid19tracker.