August 5, 2021

Ngayong 4 PM, Agosto 5, 2021, ang Department of Health ay nakapagtala ng 8,127 na karagdagang kaso ng COVID-19. Samantala ay mayroon namang naitalang 4,343 na gumaling at 196 na pumanaw.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 4.1% (66,895) ang aktibong kaso, 94.1% (1,532,494) na ang gumaling, at 1.75% (28,427) ang namatay.

Ayon sa pinakahuling ulat, 1 laboratoryo ang hindi operational noong August 3, 2021 habang mayroong 3 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS). Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 4 labs na ito ay humigit kumulang 0.7% sa lahat ng samples na naitest at 1.8% sa lahat ng positibong mga indibidwal.

Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang aming pampublikong site: www.doh.gov.ph/covid19tracker.