August 4, 2021

Ngayong 4 PM, Agosto 4, 2021, ang Department of Health ay nakapagtala ng 7,342 na karagdagang kaso ng COVID-19. Samantala ay mayroon namang naitalang 7,285 na gumaling at 90 na pumanaw.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 3.9% (63,171) ang aktibong kaso, 94.4% (1,528,422) na ang gumaling, at 1.74% (28,231) ang namatay.

Ayon sa pinakahuling ulat, 1 laboratoryo ang hindi operational noong August 2, 2021 habang mayroong 6 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS). Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 7 labs na ito ay humigit kumulang 1.7% sa lahat ng samples na naitest at 2.4% sa lahat ng positibong mga indibidwal.

Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang aming pampublikong site: www.doh.gov.ph/covid19tracker.