
Ngayong 4 PM, Agosto 3, 2021, ang Department of Health ay nakapagtala ng 6,879 na karagdagang kaso ng COVID-19. Samantala ay mayroon namang naitalang 6,337 na gumaling at 48 na pumanaw.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 3.9% (63,137) ang aktibong kaso, 94.3% (1,521,263) na ang gumaling, at 1.75% (28,141) ang namatay.
Ayon sa pinakahuling ulat, 1 laboratoryo ang hindi operational noong August 1, 2021 habang mayroong 9 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS). Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 10 labs na ito ay humigit kumulang 3.7% sa lahat ng samples na naitest at 3.6% sa lahat ng positibong mga indibidwal.
Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang aming pampublikong site: www.doh.gov.ph/covid19tracker.