
Ngayong 4 PM, Agosto 2, 2021, ang Department of Health ay nakapagtala ng 8,167 na karagdagang kaso ng COVID-19. Samantala ay mayroon namang naitalang 9,095 na gumaling at 77 na pumanaw.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 3.9% (62,615) ang aktibong kaso, 94.4% (1,515,054) na ang gumaling, at 1.75% (28,093) ang namatay.
Ayon sa pinakahuling ulat, 1 laboratoryo ang hindi operational noong July 31, 2021 habang mayroong 3 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS). Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 4 labs na ito ay humigit kumulang 1.5% sa lahat ng samples na naitest at 1.0% sa lahat ng positibong mga indibidwal.
Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang aming pampublikong site: www.doh.gov.ph/covid19tracker.