
Ngayong 4 PM, Agosto 1, 2021, ang Department of Health ay nakapagtala ng 8,735 na karagdagang kaso ng COVID-19. Samantala ay mayroon namang naitalang 5,930 na gumaling at 127 na pumanaw.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 4.0% (63,646) ang aktibong kaso, 94.3% (1,506,027) na ang gumaling, at 1.75% (28,016) ang namatay.
Ayon sa pinakahuling ulat, 2 mga laboratoryo ang hindi operational noong July 30, 2021 habang mayroong 4 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS). Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 6 labs na ito ay humigit kumulang 1.8% sa lahat ng samples na naitest at 1.3% sa lahat ng positibong mga indibidwal.
Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang aming pampublikong site: www.doh.gov.ph/covid19tracker.