
Ngayong 4 PM, Hulyo 30, 2021, ang Department of Health ay nakapagtala ng 8,562 na karagdagang kaso ng COVID-19. Samantala ay mayroon namang naitalang 2,854 na gumaling at 145 na pumanaw.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 3.9% (61,920) ang aktibong kaso, 94.3% (1,491,182) na ang gumaling, at 1.75% (27,722) ang namatay.
Lahat ng laboratoryo ay operational noong July 28, 2021 habang mayroong 2 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS). Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 2 labs na ito ay humigit kumulang 0.5% sa lahat ng samples na naitest at 0.4% sa lahat ng positibong mga indibidwal.
Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang aming pampublikong site: www.doh.gov.ph/covid19tracker