
Ngayong 4 PM, Hulyo 27, 2021, ang Department of Health ay nakapagtala ng 7,186 na karagdagang kaso ng COVID-19. Samantala ay mayroon namang naitalang 5,672 na gumaling at 72 na pumanaw.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 3.6% (56,627) ang aktibong kaso, 94.6% (1,478,625) na ang gumaling, at 1.75% (27,318) ang namatay.
Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong July 25, 2021 habang mayroong 13 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS). Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 13 labs na ito ay humigit kumulang 3.4% sa lahat ng samples na naitest at 3.7% sa lahat ng positibong mga indibidwal.
Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang aming pampublikong site: www.doh.gov.ph/covid19tracker.