
Ngayong 4 PM, Hulyo 22, 2021, ang Department of Health ay nakapagtala ng 5,828 na karagdagang kaso ng COVID-19. Samantala ay mayroon namang naitalang 3,257 na gumaling at 17 na pumanaw.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 3.3% (50,562) ang aktibong kaso, 94.9% (1,452,813) na ang gumaling, at 1.76% (26,891) ang namatay.
Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong July 20, 2021 habang mayroong 5 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS). Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 5 labs na ito ay humigit kumulang 0.3% sa lahat ng samples na naitest at 0.4% sa lahat ng positibong mga indibidwal.
Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang aming pampublikong site: www.doh.gov.ph/covid19tracker.