July 19, 2021

Ngayong 4 PM, Hulyo 19, 2021, ang Department of Health ay nakapagtala ng 5,651 na karagdagang kaso ng COVID-19. Samantala ay mayroon namang naitalang 5,332 na gumaling at 72 na pumanaw.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 3.1% (47,561) ang aktibong kaso, 95.1% (1,439,049) na ang gumaling, at 1.77% (26,786) ang namatay.

Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong July 17, 2021 habang mayroong 6 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS). Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 6 labs na ito ay humigit kumulang 0.4% sa lahat ng samples na naitest at 1.0% sa lahat ng positibong mga indibidwal.

Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang aming pampublikong site: www.doh.gov.ph/covid19tracker.