
Ngayong 4 PM, Hulyo 18, 2021, ang Department of Health ay nakapagtala ng 5,411 na karagdagang kaso ng COVID-19. Samantala ay mayroon namang naitalang 5,439 na gumaling at 117 na pumanaw.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 3.1% (47,190) ang aktibong kaso, 95.1% (1,433,851) na ang gumaling, at 1.77% (26,714) ang namatay.
Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong July 16, 2021 habang mayroong 4 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS). Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 4 labs na ito ay humigit kumulang 2.4% sa lahat ng samples na naitest at 1.3% sa lahat ng positibong mga indibidwal.
Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang aming pampublikong site: www.doh.gov.ph/covid19tracker.