
Ngayong 4 PM, Hulyo 15, 2021, ang Department of Health ay nakapagtala ng 5,221 na karagdagang kaso ng COVID-19. Samantala ay mayroon namang naitalang 4,147 na gumaling at 82 na pumanaw.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 3.1% (45,495) ang aktibong kaso, 95.2% (1,418,856) na ang gumaling, at 1.77% (26,314) ang namatay.
Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong July 13, 2021 habang mayroong 4 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS). Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 4 labs na ito ay humigit kumulang 2.4% sa lahat ng samples na naitest at 2.3% sa lahat ng positibong mga indibidwal.
Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang aming pampublikong site: www.doh.gov.ph/covid19tracker.