
Ngayong 4 PM, Hulyo 14, 2021, ang Department of Health ay nakapagtala ng 3,806 na karagdagang kaso ng COVID-19. Samantala ay mayroon namang naitalang 6,296 na gumaling at 140 na pumanaw.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 3.0% (44,408) ang aktibong kaso, 95.2% (1,414,817) na ang gumaling, at 1.77% (26,232) ang namatay.
Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong July 12, 2021 habang mayroong 5 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS). Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 5 labs na ito ay humigit kumulang 2.1% sa lahat ng samples na naitest at 1.9% sa lahat ng positibong mga indibidwal.
Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang aming pampublikong site: www.doh.gov.ph/covid19tracker.