July 13, 2021

Ngayong 4 PM, Hulyo 13, 2021, ang Department of Health ay nakapagtala ng 3,604 na karagdagang kaso ng COVID-19. Samantala ay mayroon namang naitalang 5,840 na gumaling at 77 na pumanaw.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 3.2% (46,934) ang aktibong kaso, 95.1% (1,408,634) na ang gumaling, at 1.76% (26,092) ang namatay.

Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong July 11, 2021 habang mayroong 7 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS). Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 7 labs na ito ay humigit kumulang 2.7% sa lahat ng samples na naitest at 2.5% sa lahat ng positibong mga indibidwal.

Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang aming pampublikong site: www.doh.gov.ph/covid19tracker.