July 11, 2021

Ngayong 4 PM, Hulyo 11, 2021, ang Department of Health ay nakapagtala ng 5,916 na karagdagang kaso ng COVID-19. Samantala ay mayroon namang naitalang 6,127 na gumaling at 105 na pumanaw.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 3.4% (49,701) ang aktibong kaso, 94.9% (1,397,403) na ang gumaling, at 1.76% (25,921) ang namatay.

Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong July 9, 2021 habang mayroong 3 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS). Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 3 labs na ito ay humigit kumulang 0.7% sa lahat ng samples na naitest at 0.5% sa lahat ng positibong mga indibidwal.

Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang aming pampublikong site: www.doh.gov.ph/covid19tracker.