July 8, 2021

Ngayong 4 PM, Hulyo 8, 2021, ang Department of Health ay nakapagtala ng 5,484 na karagdagang kaso ng COVID-19. Samantala ay mayroon namang naitalang 3,925 na gumaling at 191 na pumanaw.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 3.4% (49,036) ang aktibong kaso, 94.9% (1,380,899) na ang gumaling, at 1.76% (25,650) ang namatay.

Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong July 6 at lahat ng laboratoryo ay nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).

Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang aming pampublikong site: www.doh.gov.ph/covid19tracker.