July 7, 2021

Ngayong 4 PM, Hulyo 7, 2021, ang Department of Health ay nakapagtala ng 4,289 na karagdagang kaso ng COVID-19. Samantala ay mayroon namang naitalang 6,399 na gumaling at 164 na pumanaw.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 3.3% (47,519) ang aktibong kaso, 95.0% (1,377,132) na ang gumaling, at 1.76% (25,459) ang namatay.

Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong July 5, 2021 habang mayroong 4 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS). Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 4 labs na ito ay humigit kumulang 1.6% sa lahat ng samples na naitest at 2.3% sa lahat ng positibong mga indibidwal.

Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang aming pampublikong site: www.doh.gov.ph/covid19tracker.