
Ngayong 4 PM, Hulyo 6, 2021, ang Department of Health ay nakapagtala ng 4,114 na karagdagang kaso ng COVID-19. Samantala ay mayroon namang naitalang 6,086 na gumaling at 104 na pumanaw.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 3.4% (49,613) ang aktibong kaso, 94.8% (1,370,923) na ang gumaling, at 1.75% (25,296) ang namatay.
Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong July 4, 2021 habang mayroong 9 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS). Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 9 labs na ito ay humigit kumulang 5.2% sa lahat ng samples na naitest at 6.7% sa lahat ng positibong mga indibidwal.
Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang aming pampublikong site: www.doh.gov.ph/covid19tracker.