July 5, 2021

Ngayong 4 PM, Hulyo 5, 2021, ang Department of Health ay nakapagtala ng 5,392 na karagdagang kaso ng COVID-19. Samantala ay mayroon namang naitalang 6,477 na gumaling at 43 na pumanaw.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 3.6% (51,594) ang aktibong kaso, 94.7% (1,364,960) na ang gumaling, at 1.75% (25,192) ang namatay.

Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong July 3, 2021 habang mayroong 10 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS). Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 10 labs na ito ay humigit kumulang 0.70% sa lahat ng samples na naitest at 1.40% sa lahat ng positibong mga indibidwal.

Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang aming pampublikong site: www.doh.gov.ph/covid19tracker.