
Ngayong 4 PM, Hulyo 2, 2021, ang Department of Health ay nakapagtala ng 6,192 na karagdagang kaso ng COVID-19. Samantala ay mayroon namang naitalang 2,212 na gumaling at 177 na pumanaw.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 3.9% (55,482) ang aktibong kaso, 94.4% (1,344,063) na ang gumaling, at 1.75% (24,973) ang namatay.
Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong June 30, 2021 habang mayroong 4 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS). Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 4 labs na ito ay humigit kumulang 0.05% sa lahat ng samples na naitest at 0.25% sa lahat ng positibong mga indibidwal.
Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang aming pampublikong site: www.doh.gov.ph/covid19tracker.