July 1, 2021

Ngayong 4 PM, Hulyo 1, 2021, ang Department of Health ay nakapagtala ng 5,795 na karagdagang kaso ng COVID-19. Samantala ay mayroon namang naitalang 2,859 na gumaling at 135 na pumanaw.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 3.6% (51,567) ang aktibong kaso, 94.6% (1,341,973) na ang gumaling, at 1.75% (24,797) ang namatay.

Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong June 29, 2021 habang mayroong 5 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS). Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 5 labs na ito ay humigit kumulang 2.4% sa lahat ng samples na naitest at 2.3% sa lahat ng positibong mga indibidwal.

Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang aming pampublikong site: www.doh.gov.ph/covid19tracker.