
Ngayong 4 PM, Hunyo 29, 2021, ang Department of Health ay nakapagtala ng 4,479 na karagdagang kaso ng COVID-19. Samantala ay mayroon namang naitalang 6,471 na gumaling at 101 na pumanaw.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 3.6% (50,037) ang aktibong kaso, 94.7% (1,333,464) na ang gumaling, at 1.74% (24,557) ang namatay.
Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong June 27, 2021 habang mayroong 14 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS). Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 14 labs na ito ay humigit kumulang 5.4% sa lahat ng samples na naitest at 6.5% sa lahat ng positibong mga indibidwal.
Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang aming pampublikong site: www.doh.gov.ph/covid19tracker.