
Ngayong 4 PM, Hunyo 28, 2021, ang Department of Health ay nakapagtala ng 5,604 na karagdagang kaso ng COVID-19. Samantala ay mayroon namang naitalang 6,154 na gumaling at 84 na pumanaw.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 3.7% (52,029) ang aktibong kaso, 94.6% (1,327,103) na ang gumaling, at 1.74% (24,456) ang namatay.
Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong June 26, 2021 habang mayroong 6 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS). Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 6 labs na ito ay humigit kumulang 1.5% sa lahat ng samples na naitest at 2.5% sa lahat ng positibong mga indibidwal.
Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang aming pampublikong site: www.doh.gov.ph/covid19tracker.