
Ngayong 4 PM, Hunyo 27, 2021, ang Department of Health ay nakapagtala ng 6,096 na karagdagang kaso ng COVID-19. Samantala ay mayroon namang naitalang 6,912 na gumaling at 128 na pumanaw.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 3.8% (52,570) ang aktibong kaso, 94.5% (1,321,050) na ang gumaling, at 1.74% (24,372) ang namatay.
Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong June 25, 2021 habang mayroong 3 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS). Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 3 labs na ito ay humigit kumulang 0.81% sa lahat ng samples na naitest at 0.86% sa lahat ng positibong mga indibidwal.
Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang aming pampublikong site: www.doh.gov.ph/covid19tracker.