
Ngayong 4 PM, Hunyo 25, 2021, ang Department of Health ay nakapagtala ng 6,812 na karagdagang kaso ng COVID-19. Samantala ay mayroon namang naitalang 2,867 na gumaling at 116 na pumanaw.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 4.0% (55,293) ang aktibong kaso, 94.3% (1,305,608) na ang gumaling, at 1.74% (24,152) ang namatay.
Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong June 23, 2021 at lahat laboratoryo ay nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).
Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang aming pampublikong site: www.doh.gov.ph/covid19tracker.