June 21, 2021

Ngayong 5:38 PM, Hunyo 21, 2021, ang Department of Health ay nakapagtala ng 5,249 na karagdagang kaso ng COVID-19. Samantala ay mayroon namang naitalang 7,053 na gumaling at 128 na pumanaw.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 4.1% (55,847) ang aktibong kaso, 94.2% (1,284,643) na ang gumaling, at 1.74% (23,749) ang namatay.

Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong June 19, 2021 habang mayroong 8 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS). Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 8 labs na ito ay humigit kumulang 0.80% sa lahat ng samples na naitest at 0.71% sa lahat ng positibong mga indibidwal.

Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang aming pampublikong site: www.doh.gov.ph/covid19tracker.