
Ngayong 4 PM, Hunyo 20, 2021, ang Department of Health ay nakapagtala ng 5,803 na karagdagang kaso ng COVID-19. Samantala ay mayroon namang naitalang 7,652 na gumaling at 84 na pumanaw.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 4.2% (57,679) ang aktibong kaso, 94.0% (1,277,715) na ang gumaling, at 1.74% (23,621) ang namatay.
Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong June 18, 2021 habang mayroong 2 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS). Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 2 labs na ito ay humigit kumulang 0.14% sa lahat ng samples na naitest at 0.13% sa lahat ng positibong mga indibidwal.
Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang aming pampublikong site: www.doh.gov.ph/covid19tracker.