June 14, 2021

ealth ay nakapagtala ng 6,426 na karagdagang kaso ng COVID-19. Samantala ay mayroon namang naitalang 7,145 na gumaling at 57 na pumanaw.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 4.5% (59,096) ang aktibong kaso, 93.8% (1,240,112) na ang gumaling, at 1.73% (22,845) ang namatay.

Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong June 12, 2021 habang mayroong 10 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS). Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 10 labs na ito ay humigit kumulang 1.9% sa lahat ng samples na naitest at 2.1% sa lahat ng positibong mga indibidwal.

Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang aming pampublikong site: www.doh.gov.ph/covid19tracker.