June 11, 2021

Ngayong 4 PM, Hunyo 11, 2021, ang Department of Health ay nakapagtala ng 6,686 na karagdagang kaso ng COVID-19. Samantala ay mayroon namang naitalang 3,190 na gumaling at 196 na pumanaw.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 4.7% (61,345) ang aktibong kaso, 93.6% (1,216,497) na ang gumaling, at 1.73% (22,507) ang namatay.

Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong June 9, 2021 habang mayroong 3 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS). Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 3 labs na ito ay humigit kumulang 0.27% sa lahat ng samples na naitest at 0.38% sa lahat ng positibong mga indibidwal.

Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang aming pampublikong site: www.doh.gov.ph/covid19tracker.