
Ngayong 4 PM, Hunyo 8, 2021, ang Department of Health ay nakapagtala ng 4,777 na karagdagang kaso ng COVID-19. Samantala ay mayroon namang naitalang 7,122 na gumaling at 95 na pumanaw.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 4.4% (56,452) ang aktibong kaso, 93.9% (1,202,257) na ang gumaling, at 1.72% (22,064) ang namatay.
Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong June 6, 2021 habang mayroong 10 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS). Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 10 labs na ito ay humigit kumulang 2.7% sa lahat ng samples na naitest at 2.9% sa lahat ng positibong mga indibidwal.
Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang aming pampublikong site: www.doh.gov.ph/covid19tracker.