
Ngayong 4 PM, Hunyo 6, 2021, ang Department of Health ay nakapagtala ng 7,228 na karagdagang kaso ng COVID-19. Samantala ay mayroon namang naitalang 7,372 na gumaling at 166 na pumanaw.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 4.7% (59,337) ang aktibong kaso, 93.6% (1,188,243) na ang gumaling, at 1.72% (21,898) ang namatay.
Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong June 4, 2021 habang mayroong 3 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS). Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 3 labs na ito ay humigit kumulang 0.68% sa lahat ng samples na naitest at 1.27% sa lahat ng positibong mga indibidwal.
Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang aming pampublikong site: www.doh.gov.ph/covid19tracker.